Posts Tagged ‘Poetry’

tula, sabon, at bula


2010
10.05

tula, sabon, at bula
(para kay marielle)
>
salamat sa sabon
binalot sa kahon
regalong akma
sa anumang panahon.
>
wala akong sabon
na maikakahon
meron namang tula
kinatha, ginawa.
>
mabisa ang sabon
pamatay ng mikrobyon
mabisa ang tula
pampasigla ng diwa.
>
ang sabon, tulad ng tula
naglalaho, nawawala
ang tula, tulad ng bula
naglalaho, nawawala.
>
salamat sa sabon
salamat sa kahon
salamat sa tula
salamat sa bula
>
salamat sa dula
salamat sa diwa
salamat sa panahon
salamat, ngayon!
>
ang sabon, tulad ng tula
naglalaho, nawawala.
ang tula, tulad ng bula
naglalaho, nawawala.
>
- ian lomongo, nov. 8, 2005

Notes on a Nude Sketching


2010
09.11

Here’s a poem drawn by poet/writer Richard Gappi:

>

*Talababa sa Isang Nude Sketching

>

Ipinapako ako ngayon
sa krus ng aking pagkatao.

>

Mantel sa pisngi ng aking pwet
at sinag-araw-alas-tres ng hapon na nakabalabal
sa hubad kong anino.

>

Nagsasa-Veronica ako
sa puting tela.

>

Guhit ito na pinihit ng totoo
kung saan naroon
ang nakasilip na puwang ng naikandado—!

>

Palayain siya!
Palayain siya!

>

Sa apat na sulok
inuutusan niyang lumayas
ang inaalihan
ng kampon ni Satanas!

>

Lalayas ako!
Lalayas ka!

>

At magkakapit-kamay
tayong magsasa-Lazarus
habang dama natin ang hapdi
ng bigat ng batong ipinukol
ng sumang-ayon sa hatol.

>

Puta!
Nakikiapid!
Malibog!
Pera-pera!
Magdalena!

>

Hindi Magdalena
ang isang putik
kundi nagiging
eskultura sa pilantik
ng canvas
ng
isang
artist.

>

- Richard Gappi, Oct. 1, 2005

>

My English translation:

Notes on a Nude Sketching

>

To the cross of my humanity
I am being nailed.

>

Mantle on the cheek of my butt
and the rays of the sun at three in the afternoon
cloaking my naked shadow.

>

I become Veronica
in the white cloth.

>

This is drawn
by the truth
where the imprisoned space
that peeps lies—!

>

Liberate her!
Liberate him!

>

In the four corners of the world
he commands the ones possessed
by the minions of Satan
to leave!

>

I shall leave!
You shall leave!

>

And holding hands
we shall become Lazarus
Living the pain
of the crushing weight
of the stone
thrown by the ones
who consented to
the verdict–

>

Fucking whore!
Adulterer!
Wanton!
Prostitute!
Magdalen!

>

Magdalen is not the mud.
Sculpture in the graceful waves
of the canvas
of an artist

>

She Becomes.

>

- Richard Gappi (Eng. trans. Ian Lomongo, Oct. 3, 2005)

>

best regards,
artes-ian, well!

In the Arc of Your Mallet


2010
05.25

In The Arc Of Your Mallet
by Rumi

Don’t go anywhere without me.
Let nothing happen in the sky apart from me,
or on the ground, in this world or that world,
without my being in its happening.
Vision, see nothing I don’t see.
Language, say nothing.
The way the night knows itself with the moon,
be that with me. Be the rose
nearest to the thorn that I am.

I want to feel myself in you when you taste food,
in the arc of your mallet when you work,
when you visit friends, when you go
up on the roof by yourself at night.

There’s nothing worse than to walk out along the
street without you. I don’t know where I’m going.

You’re the road, and the knower of roads,
more than maps, more than love.

-Rumi

Let Me Go


2009
08.09

Let Me Go.
(To all the girls I’ve loved before, will have loved in the future, have been presently loving)
by Michael Ian Lomongo

Let me go.
Letlet…
Mimi…
Let me go.
Letty…
Amy…
Mi amiga…
Let me go.
Mei-li… Gong-li… Agogo…
Let me go.

Amigas, dejadme que me vaya.

Michelle… Mabel…
Let me go.
Son les mots qui vont tres bien ensemble,
Tres bien ensemble:
Let me go.
Yeah.
Let me be.
Words of wisdom:
Let it be.
January, 2005

Kundi Sa’yong Sinapupunan (Menos Tu Vientre) by Miguel Hernandez


2009
07.29

Menos Tu Vientre by Miguel Hernandez

(translation by Ian Lomongo)

Kundi sa’yong sinapupunan,
lahat ay pawang kaguluhan.
Kundi sa’yong sinapupunan,
bukas na dagling lumilisan,
baog at ‘di-mabanaagang
kupas na kahapon ang tanan.
Kundi sa’yong sinapupunan,
lahat-lahat ‘di mawarian.
Kundi sa’yong sinapupunan,
lahat kawalang-katiyakan,
lahat doon sa kalayuan,
abong walang sandaigdigan.
Kundi sa’yong sinapupunan,
lahat pusikit na karimlan.
Kundi sa’yong sinapupunan,
(na) kaliwanagan, kaibuturan.

Ganap


2009
07.27

Ganap.
(ni Miguel Juanjo (a.k.a. Wang-Ho) Tiamson Lomongo)

“Kailan kaya sasapit ang araw ng pagiging ganap
Ng lahat ng ating mga pinapangarap?”

Araw-araw, patuloy ang paghahanap,
Patuloy… maging ang pagpapanggap,
Patuloy ang pag-aapuhap,
Patuloy ang pagganap
Sa tungkulin, kahit walang kahina-hinagap
Sa katotohanang pinapangarap magagap,
Malanghap… Malasap!

Ano nga ba’ng nagaganap sa mga nagsisipagganap
Sa mga pagtatanghal na’ting kinakaharap?
Ay! Masalimuot na prosesong may kung anu-anong sangkap!
Mapa-dula man o pelikula, ang pagganap
Maihahalintulad sa pagdadalisay at pagbubusilak
Ng paglalaba. Mga damit na ginagamit
Sa pagharap sa sangmaliwanag, binabasa, pinapalo, pinipitpit,
Kinukusot, sinasabon. (Ang sabon, tulad ng tubig
At baha, lumilinis at pumapatay, sa pamamagitan ng bula…
Mga bulang tulad ng katotohanan, buhay, at dula,
Naglalaho, nawawala.)
At matapos banlawan, mga damit ikukula,
Isasabit sa sampayan
Upang sa liwanag ng araw masilayan.
Gayundin ang kinasasapitan ng mga damdamin, isip,
Guni-guni, panaginip, libog, pag-ibig, galit, pangamba, pananalig:
Dinadalisay, binubusilak, binabasa, sinasabon, pinapalo, pinipitpit,
Kinukusot, binabanlawan, ‘kinukula,
At saka ngayon pinaplantsa, upang maikubli ang mga gusot sa mata.
Mga maskarang tulad ng damit pinagpapalit-palit
Sa pangangarap na magampanang ganap
Ang pagganap.

Samantala, patuloy sa paghahanap…
Tuloy-tuloy maging pagpapanggap…
Tuloy-tuloy sa pag-aapuhap…
Tuloy-tuloy sa pagganap
Sa tungkulin, kahit walang kahina-hinagap
Sa — katotohanan, kabutihan, kagandahan, kaligayahan –
KaGANAPang pinapangarap magagap
Malanghap… Malasap!

“Kailan kaya sasapit ang araw ng pagiging ganap
Ng lahat ng ating mga pinapangarap?”

Ganap.

Ika-14 ng Disyembre, 2004

Ano nga ba ang Isang Tula (What is a Poem?) by Miguel Hernandez


2009
07.25

Ano nga ba ang isang tula?

Isang marikit na kasinungalingang binihisan. Isang katotohanang ipinararamdam lamang. Tanging sa pagpaparamdam lamang nito hindi nagiging kasinungalingan ang katotohanan. Isang katotohanang ‘singhalaga at ‘sintago ng miniminang yaman.

Sino nga ba ang nakakakita na, sa katotohanan, kulay-asin ang dagat?

Walang sinuman. Gayunpaman, nagpaparanas ito, wumawagayway, ipinapakita at sinasalamin ng mga binuo nitong bula ang kulay ng gasuklay na buwan. Nasa kanyang hiwaga ang higit niyang kagandahan.

Hindi maaaring tumambad sa atin ang tula nang hubad. Mga buto ng tula lamang ang taglay ng mga tulang hubad. At ano nga ba’ng mas papangit pa sa mga pawang kalansay lamang?

Ingatan, mga manunula, ang diwa ng tula: isang espinghe. Hayaan n’yong matuto silang bakbakin ito tulad ng balat ng kahoy… Ay, tulad ng dalandan! kaylinamnam ng itinatago nito sa loob ng kanyang mala-planetang kabilugan!

Ingatan ang inyong sarili, mga manunula, laban sa mga bungang walang-balat, mga dagat na walang-alat.

Kailangang umubra ang tula gaya ng sa banal na misa.

Kailan kaya darating ang manunula na hawak sa kanyang mga daliri ang tula gaya ng paring tangan-tangan ang ostiya at nagsasabing: “Ito ang Diyos!” at maniniwala tayo?

- Miguel Hernandez, spanish poet, 1910-1942 (Tagalog translation by Ron Capinding)

For Sharon (And All the Many Brave People in the World)


2008
05.23

For Sharon (And All the Many Brave People in the World)

I stood
Like a statue
Unmoving, unseeing
Not speaking, not wanting
To break
The fragile silence that
Engulfed us like
A wall oppressing,
Suffocating, separating
Me… from you.

But I was dying to live!
And breathe, and see
The many things I haven’t seen
And move, and do
The many things I haven’t done.
How I longed to look at you
(Take a long and good look at you.)
To speak, and be, with you.
Oh how I yearned to touch,
Feel, and love you.

But then again, as always,
I was afraid
Of you, and me,
And the many things
I haven’t seen and done
(And of I-don’t-but-God-knows-what-else).
And then again, as always,
I had to hide
And be content
To peek from inside.

Suddenly, brave as an angel
Come down from heaven, you
Freed me from the chains
I myself forged
And wound around me.
You looked at, talked with, me
And with a smile, shattered
The walls of timidity and fear
That imprisoned and prevented
Me from loving you.

And then, I could breathe, though gasping
And so, I could see, though squinting
And more, I could move, though trembling
And yes, I could speak, though stammering
And now, I could feel, though numbing
At last, I could love, though wanting.

Err… This is to say
“Thank you”
For “I love you“?

Books Liked/Loved


2008
03.31

Books Liked/Loved:

The Count of Monte Cristo (Alexander Dumas)
El Filibusterismo (Jose Rizal)
The Little Prince (Antoine de Saint-Exupery)
The Favourite Game (Leonard Cohen)
Thus Spoke Zarathustra / Genealogy of Morals (Friedrich Nietzsche)
The Trial / Metamorphosis (Franz Kafka)
Doktor Faustus (Thomas Mann)
Cubao Midnight Express (Tony Perez)
The Alphabet of Grace (Frederick Buechner)
Zen and the Art of Motorcycle Maintenance (Robert Pirsig)
Written on the Body (Jeanette Winterson)
The Brothers Karamazov (Fyodor Dostoyevski)
The Unbearable Lightness of Being (Milan Kundera)
Personal (Rene Villanueva)
Foucault’s Pendulum (Umberto Eco)
Lady Chatterley’s Lover (D.H. Lawrence)
Siddharta / Narcissus and Goldmund (Herman Hesse)
The Book of Lights (Chaim Potok)
Angela’s Ashes (Frank McCourt)
The God of Small Things (Arundhati Roy)
A Little Book on the Human Shadow / Iron John (Robert Bly)
It Is Here Now – Are You? (Bhagavan Das)
The Last Three Minutes (Paul Davies)
The Dancing Wu-Li Masters (Gary Zukav)
The Clowns of God (Morris West)
Zen Guitar (Philip Toshio Sudo)
Sophie’s Choice (William Styron)
The Artist’s Way (Julia Cameron)
The Day of the Jackal (Frederick Forsyth)
Inside the Music (interviews with contemporary musicians)
Writing Down the Bones (Natalie Goldberg)
Ordinary People (Judith Guest)
The Teachings of Don Juan (Carlos Castaneda)

A Thousand Bitter-Sweet Poems for Women


2008
03.15

A Thousand Bitter-Sweet Poems for Women
By Michael Ian Lomongo, March 21, 2001

Last March 10, I watched PETA’s “Komedi Club,” a festival of 10 to 15-minute plays written by members of the PETA Writers’ Bloc. In celebration of the International Women’s Day, the plays featured during that weekend (March 8-10) were written by women playwrights (except for Nick Pichay’s “Kahit na Magtiis”). The line-up included “Flight,” an interpretative dance choreographed and performed by Martina Gonzales-Quesada, Regina Lasam, and Verni Severo, incorporated with a poem by Inge Saltarin; an adaptation of Liza Magtoto’s Palanca-winning Despedida de Soltera; Sheila Crisostomo’s “Emergency” (the grand prize winner of the second Charley dela Paz Awards of the PETA-PDP Writers’ Bloc); Nick Pichay’s “Kahit na Magtiis”; and Lallie Bucoy’s “Isang Libong Tula para sa Dibdib ni Dulce.”

I liked the last two plays best.

(more…)