Warning: in_array() expects parameter 2 to be array, boolean given in /home/domainco/public_html/xn3cts.com/wp-content/plugins/sociable-30/sociable3.php on line 63

Posts Tagged ‘Add new tag’

Ganap

July 27th, 2009

Ganap.
(ni Miguel Juanjo (a.k.a. Wang-Ho) Tiamson Lomongo)

“Kailan kaya sasapit ang araw ng pagiging ganap
Ng lahat ng ating mga pinapangarap?”

Araw-araw, patuloy ang paghahanap,
Patuloy… maging ang pagpapanggap,
Patuloy ang pag-aapuhap,
Patuloy ang pagganap
Sa tungkulin, kahit walang kahina-hinagap
Sa katotohanang pinapangarap magagap,
Malanghap… Malasap!

Ano nga ba’ng nagaganap sa mga nagsisipagganap
Sa mga pagtatanghal na’ting kinakaharap?
Ay! Masalimuot na prosesong may kung anu-anong sangkap!
Mapa-dula man o pelikula, ang pagganap
Maihahalintulad sa pagdadalisay at pagbubusilak
Ng paglalaba. Mga damit na ginagamit
Sa pagharap sa sangmaliwanag, binabasa, pinapalo, pinipitpit,
Kinukusot, sinasabon. (Ang sabon, tulad ng tubig
At baha, lumilinis at pumapatay, sa pamamagitan ng bula…
Mga bulang tulad ng katotohanan, buhay, at dula,
Naglalaho, nawawala.)
At matapos banlawan, mga damit ikukula,
Isasabit sa sampayan
Upang sa liwanag ng araw masilayan.
Gayundin ang kinasasapitan ng mga damdamin, isip,
Guni-guni, panaginip, libog, pag-ibig, galit, pangamba, pananalig:
Dinadalisay, binubusilak, binabasa, sinasabon, pinapalo, pinipitpit,
Kinukusot, binabanlawan, ‘kinukula,
At saka ngayon pinaplantsa, upang maikubli ang mga gusot sa mata.
Mga maskarang tulad ng damit pinagpapalit-palit
Sa pangangarap na magampanang ganap
Ang pagganap.

Samantala, patuloy sa paghahanap…
Tuloy-tuloy maging pagpapanggap…
Tuloy-tuloy sa pag-aapuhap…
Tuloy-tuloy sa pagganap
Sa tungkulin, kahit walang kahina-hinagap
Sa — katotohanan, kabutihan, kagandahan, kaligayahan –
KaGANAPang pinapangarap magagap
Malanghap… Malasap!

“Kailan kaya sasapit ang araw ng pagiging ganap
Ng lahat ng ating mga pinapangarap?”

Ganap.

Ika-14 ng Disyembre, 2004

Ano nga ba ang Isang Tula (What is a Poem?) by Miguel Hernandez

July 25th, 2009

Ano nga ba ang isang tula?

Isang marikit na kasinungalingang binihisan. Isang katotohanang ipinararamdam lamang. Tanging sa pagpaparamdam lamang nito hindi nagiging kasinungalingan ang katotohanan. Isang katotohanang ’singhalaga at ’sintago ng miniminang yaman.

Sino nga ba ang nakakakita na, sa katotohanan, kulay-asin ang dagat?

Walang sinuman. Gayunpaman, nagpaparanas ito, wumawagayway, ipinapakita at sinasalamin ng mga binuo nitong bula ang kulay ng gasuklay na buwan. Nasa kanyang hiwaga ang higit niyang kagandahan.

Hindi maaaring tumambad sa atin ang tula nang hubad. Mga buto ng tula lamang ang taglay ng mga tulang hubad. At ano nga ba’ng mas papangit pa sa mga pawang kalansay lamang?

Ingatan, mga manunula, ang diwa ng tula: isang espinghe. Hayaan n’yong matuto silang bakbakin ito tulad ng balat ng kahoy… Ay, tulad ng dalandan! kaylinamnam ng itinatago nito sa loob ng kanyang mala-planetang kabilugan!

Ingatan ang inyong sarili, mga manunula, laban sa mga bungang walang-balat, mga dagat na walang-alat.

Kailangang umubra ang tula gaya ng sa banal na misa.

Kailan kaya darating ang manunula na hawak sa kanyang mga daliri ang tula gaya ng paring tangan-tangan ang ostiya at nagsasabing: “Ito ang Diyos!” at maniniwala tayo?

- Miguel Hernandez, spanish poet, 1910-1942 (Tagalog translation by Ron Capinding)

Vipassana for Nietzscheans?

July 13th, 2009

“He remembered his sadness well, but he could no longer remember what had made him so sad. It was that way with everything: even sadness passed, even pain and despair, as well as the joys. Everything passed, faded, lost its depth, its value, and finally there came a time when one could no longer remember what had pained one so. Pains, too, wilted and faded… Yes, doubtless this pain, this bitter need would also grow old and tired. It too would be forgotten. Nothing had permanence, and he regretted that, too.”

- Herman Hesse, “Narcissus and Goldmund”

Am continuing my reflections on the possibility of a “Nietzschean Buddhism”…

Would like to sit again…

I’ve found something valuable in my practice. Hey, I may have not changed much but I detect a glimmer of hope… the possibility of overcoming deeply-ingrained bad habits of old. I’m no superman but like him, “I’m just out to find a better part of me.”

I came to Vipassana as a pantheist with Nietzschean leanings. I had strayed away from the Catholic Christian Church in the mid-1990’s. It was meeting Nietzsche (through his books, of course) that brought about my “conversion.” I found quite a number of my very deepest feelings and thoughts verbalized by this “madman.”

Read the rest of this page »