Warning: in_array() expects parameter 2 to be array, boolean given in /home/domainco/public_html/xn3cts.com/wp-content/plugins/sociable-30/sociable3.php on line 63

Para Mama! (Para Nga!!!)

January 10th, 2009

Para Mama, Para Nga!!!
(isang monologo para sa bagong taon)

alay sa mga bwakanang files ko na nabura noong bisperas ng bwakanang bagong taon…

ni Body Dancer

Sampung taon na ang nakararaan ng una akong mag-odisyon para maging scholar ng Tanghalang Pilipino Actors’ Company. Mula sa mahigit limampung ininterbyu bago mag-odisyon, naiwan kaming kulang-kulang 20. Tatlong araw yung odisyon. Bawa’t araw, nababawasan kami. Matira matibay. Survival of the fittest. Darwinian natural selection. Selecta. Choose your own adventure.

Umabot ako sa pangatlong araw.

But ultimately failed to make the grade.

Almost made it. But didn’t.

In the schema of things, hindi naman talaga napapansin yung 2nd placer, yung “muntik na.” Sino dito’ng nakakakilala kay Peter Best? What’s the world’s no. 2 anti-dandruff shampoo in the world? Ewan.

Lalo pa kung 3rd, 4th, 5th, or almost-but-not-quite ka.

I cried. But I was not beaten. (I will survive!!! I will survive!!) I’ll try again and again and again even if I should fail again and again and again. Sabi ko nga, kahit tumanda akong maputi na ang buhok… umabot ng 50 years old na nag-oodisyon nang hindi pumapasa, mag-oodisyon pa rin ako.!!! Tang-ina nyo!!! Magsasawa kayo sa mukha ko!

There was such a burning passion in my heart.

Eventually, through stick-to-itiveness (a.k.a., perseverance) and simple bull-headedness, nakapasa rin ako. And now (the end is near), ten years after, have acted in around 30 productions.

I’ve written a few songs, poems, short stories, a lot of essays, painted a few pictures… But so what?

Have I changed the world? (If I could che-he-hange the world, I will be the sunlight in your universe…) Have I at least made a mark in anything I’ve done within the last 30 years of my drifting life? Have I at least changed myself?

What’s the point?

Sabi ko noon handa akong tumandang binata dahil siNing ang true love ko. (Ikaw ang true love ko. TL ako sa yo.) Sinumang hinayupak na babaeng mamahalin ko at mamahalin din ako ay kinakailangang tanggapin na no. 2 lang sya sa buhay ko. (Won’t you be my number 2?)

Pero Putang-ina! Pag nai-in-love ako, parang handa akong itapon ang lahat-lahat, mahalin lang ako.

Parang.

Hanggang parang lang. Hindi umaabot sa kagubatan. Sa kabundukan. Sa masukal na kagubatan at matarik na kabundukan.

“How far are you willing to go?” tanong sa akin ng isa sa mga panelist noong interview para sa odisyon.

“Wherever it takes me.” (Wherever you go, I shall go…) (If I could, then I would, I’d go wherever you will go…)

And now it has led me here.

Limbo. Neither here nor there.

Maybe I should just go back to teaching fulltime. Take up my doctorate. Find a girl. Settle down. Get married. Be happy. (Don’t worry, be happy!)

And even as I think about it, parang hindi ko kakayanin yung drudgery ng spending my entire life in the academe.

Parang. Tila. Tilasolfamiredo.

Pucha. Ilang taon na lang, magka-kwarenta na ako. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko sa buhay ko.

I’m still hounded and haunted by all these dreams, illusions, if you will. (Every second of the night, I live another life.) About life, art and love.

Pero… wala na.

I’d like to believe that these so-called illusions will ultimately prove to be necessary illusions. Necessary because in the end (This is the end, my friend, the end.), they would have justified my living.

Pero yun nga, I’m disillusioned. These dreams/illusions have lost their spell on me.

Now I’m just drifting. Para namang bago, no? Para. Stop. Para sa parang. Stop the world, I wanna get off.

Para akong dahong (Tayo’y mga dahon lamang, sa isang matatag na puno…) kung saan-saan tangayin, liparin ng hangin. (Or am I a fool, going where the wind blows?) May mga araw na I’d be inspired by fellow-artists. Pero when left alone, by myself (rachmaninoff: All by myself, don’t wanna be…), ayan na naman. These demons in my head. Murmuring, whispering. What’s the point? What’s the point?

And so, I just let myself go through my life now with a forced attempt to fight the indifference every now and then.

I just hope this ends soon. (And so I face the final curtain…)

Hopefully not with my dying.

This entry was posted on Saturday, January 10th, 2009 at 5:04 am and is filed under Acting, Art, Education, Filipinos, Life, Love, Music, Theater, Writing. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

9 Responses to “Para Mama! (Para Nga!!!)”

  1. sue prado Says:

    probably, you don’t know me; pero nais kong maniwala na magkapatid tayo sa sining- marahil ako ‘yung nakababata mong kapatid na hikahos (struggling artist). hehehehe

    gusto ko magpasalamat for verbalizing the thoughts in my head- na nagsasanhi ng hika ko sa utak.

    salamat ulit.

  2. andrew Says:

    kaya mo yan ian… stage lang yan, go back to teaching siguro theater at least nagagawa mo yung dalawa 1. serve the art 2. be productive sa field na expert ka…

    kaya mo yan…

  3. George de Jesus III Says:

    Ian! Para kang si Ony na magsulat! Ang tawag diyan mid-life crisis. Umarte ka na ulit, mag-release. Have fun!

  4. dino acm Says:

    bro, Ian, we have been continuously thought that when we do things, its always to achieve something, there always must be an objective. pero isipin mo din mabuti, pareho naman tayong philo, di ba may mga gawain na ginagawa natin bilang “the end itself?” and not doing things to achieve something.

    romantik ba gusto mo? pag nagmahal ka ba ano pakay mo? maging masaya? magkaroon ng partner? kabiyak? di kaya dapat eh nagmahal ka kasi yun ang gusto mo gawin, ang magmahal…wala ng tanong kung bakit.

    your “drifting” may be caused by your wanting to see the effect of your passion. what if your passion is the effect itself…?

    by all means, ask questions, but dont ask too much.

  5. jefbaquiran Says:

    ian: sang ayon ako kay andrew. pag sabayin mo ung dalawang mahal mo. di naman babae kaya no worries and guilt feelings. at saka para pag naging presidente na ako ng pilipinas e pwede kita papiliin kung ano gusto mo, education secretary o chairman ng NCCA. ngayon pa lang pag aralan mo na at mag expose ka na para pag in appoint kita e approve ang credentials mo. diba?

  6. alwyn cruz Says:

    hi ian – nakakatuwa ka! aktwali kahit na short lang ang pagsasama natin sa seminaryo eh alam ko kung hindi ka magiging pare eh magiging magalaling kang TAO. ewan ko kung enough yung nabasa kong sinulat mo to make this comment. 1. ang pinaka magandang bagay nabigay nitong buhay sa atin ay we can choose what we want to do – at kapag nagawa natin yung what we want to do – yehey! 2. pero hindi doon natatapos ang lahat sa magawa lang natin ang gusto nating gawin – kasi kapag nagawa na natin yung gusto nating gawin – dapat humanap naman tayo ng bagay na gagawin ulet…ulet at ulet. 3. wag na wag mong maliitin ang mga ginagawa mo – kahit hindi ka makakapagbago ng takbo ng mundo – hindi tayo mismo makakapagsabi niyan – it is the next generation that will look back to see the things that you did. kaya ituloy mo lang ang mga ginagawa mo. lastly – kung pumara ka – sandali lang yan…sigurado ko sasakay ka ulit para puntahan ang gusto mong puntahan. i hope i made sense here and i hope to see you soon! (your bro in st. vincent)

  7. diana alferez Says:

    Oo nga, 10 years na yon! hahaha! Na-mi-miss ko na ang drama ng buhay mo lalo na kapag in-love ka! tara labas tayo, sasabayan ko ang pag-inom mo (kahit ice tea lang ang iniinom ko, GO!). Sige, ibuhos mong lahat, makikinig ako!

  8. diana malahay Says:

    kuya ian, di ako nagbabasa ng mga blogs o anumang newsletter na sa title palang nawala na ang interes ko… pero akalain mong nagrereply ako dito sa sinulat mo. hahahaha. kamusta ka na ba? maganda bang tanong un? 2004 sa reyna at ang mga rebelde ng dulaang laboratoryo kita unang nakatrabaho. dami naming natutunan non sayo. =)

    madalas akong mawala. pero natutuwa ako pag nawawala ako. nagkakaroon ako ng panahon sa mga maliliit na bagay na nakakaligtaan at nilalampasan ko na lang sa araw araw, mas napapakinggan ko ang sarili ko pag nawawala na ko. unlike pag takbo ako nang takbo at walang tigil sa kasusunod sa anod ng karamihan, aba… di ko nakikilala sarili ko. kaya yey! sayo… kasi sa iyong pagkawala, mahahanap mo Siya. patience lang. =) God bless. ingat, kuya ian.

  9. Michael Ian Lomongo Says:

    maraming salamat sa pagbabasa… sue, andrew, george, dino, jepoy, alwyn, diana a, diana m… salamat sa malasakit. i’m better now. happier. a bit. enough to last for some time. wala lang, kailangan lang talagang mag-rant paminsan-minsan… salamat.

Leave a Reply