January 26th, 2008
Paghihintay sa Chuvatienes…
ni Michael Ian Lomongo, August 18, 2006
Hindi maikakailang malaki na rin ang naging impluensya ng salitang bading o gay lingo sa pang-araw-araw na pananalita ng madla. Sa pinoy gay lingo, kapansin-pansin ang mala-chopsuey na paghahalo ng iba’t-ibang wika (Tagalog, Japanese, Spanish, English, atbp.) at sari-saring alusyon sa pop culture (
Halimbawa, san kaya nagmula ang katagang “chuvatienesâ€? Maaaring ang “chuva” ay variation ng “chever/cheber,†na maaari namang pinaikling “whatever/whichever†(o posible rin sigurong updated version ng salitang Tagalog na “keber,†na mula naman sa Spanish “que ver†); ang “tienes†naman (kung saan hinango ang “chenelynâ€) ay Spanish ng “you have.†Kaya, kung tutuusin, ang “chuvatienes†ay Spanglish ng “what-have-you.†Sa madaling salita, “anumanâ€â€¦ “whatever.â€
Nitong nakaraang Hunyo, napanood ko ang produksyon ng Tanghalang Pilipino ng “Waiting for Godot” ni Samuel Beckett. Bilang pagdiriwang sa ika-isandaang taon ng kapanganakan ni Beckett, nakipagtulungan ang CCP, Alliance Francaise, Embahada ng Pransya at NCCA para imbitahan ang isang direktor mula Avignon, si Alain Timar, na idirihe ang isang adaptasyon ng nasabing dula (sa panibagong salin ni George de Jesus III).
Lubhang mahusay ang pagkakaganap ng mga artista, sina Paolo O’Hara bilang Vladimir o Didi, Bong Cabrera bilang Estragon o Gogo, Paolo Rodriguez bilang Pozzo, Cris Pasturan bilang Lucky, at Mark Gil Bacea bilang bata.
Sa kabuuan, masasabi kong Pinoy na Pinoy ang adaptasyong ito ng “Godot.†Swak na swak, ika nga. May isang elemento lang na, sa tingin ko, ay hindi gaanong akma sa batayan ng dula at mensaheng nais ipahatid nito. Ito ang pagkakaroon ng bahay ni Didi. Kahit pa sabihin nating barung-barong lang ito, at iskwater lang si Didi (i.e., hindi nya pag-aari ang lupang kinatitirikan ng barung-barong), nababawasan ang bigat ng pagkabagot at pangungulila ng paghihintay niya. Hindi ganon kaseryo kung ‘di man sumipot si Godot. (Lalo pa’t alam na nating hindi talaga darating sa kahabaan ng dula si Godot.) Nagbibigay ng seguridad/katatagan (ng pagkakaroon ng “ugatâ€) ang pagkakaroon ng bahay. Kaya siguro, kumpara kay Gogo e malinis tingnan si Didi sa produksyong ito. Me bahay kasi siya, may termos, gitara, maaaring magkape, may tulugan, pahingahan, tambayan… atbp. Marami siyang maaaring balingan at pagkalibangan habang naghihintay kay Godot.
Esensyal sa palagay ko ang pagiging mga palaboy nina Didi at Gogo sa kuwento ng kanilang paghihintay. Hindi naman unique sa Europa at America ang pagkakaroon ng “tramps†o “hobos.†Meron din tayo n’yan sa Pinas. Sina Didi at Gogo ay dayuhan/estranghero sa lugar ng kanilang pakikipagtagpuan kay Godot. Hindi sila dapat maging “at home†dito. Ito ang magbibigay ng bigat at lalim sa kanilang paghihintay, pagkabagot, at mga palpak at katawa-tawang pagsisikap na aliwin ang kanilang sarili. At kahit pa hindi mga taong grasa sina Didi at Gogo, meron man silang tinutuluyan/tinutulugan (sa ilalim man ng tulay o gilid ng kalsada), hindi ito sa lugar ng tagpuan nila kay Godot. Sa palagay ko, importante na hindi gaanong matao ang tagpuan nila. Puwede rin naman talagang sa me riles at billboard, yung parte nga lang na walang kabahayan… sa medyo ilang na lugar.
Pinaikli rin ang bersyong ito ng “Godot.†Walang pagitan, pinagdugtong ang una at ikalawang yugto, bagama’t may paglipas pa rin ng panahon (i.e., “dalawang araw†ang mapapanood na eksena). Marami sa mga pilosopikal na pagmumuni-muni ni Didi ang binawas, lalo na sa ikalawang yugto. Binigyang-diin ang kahalagahan ng batang “sugo†ni Godot. Larawan siya rito ng pagiging inosente, kawalang-malay, posibilidad, at pag-asa. Wala man si Godot, nariyan naman ang kanyang “anghel†o mensahero. At marahil kahit pansamantala, sapat na siguro ang ugnayang iyon. Balang araw, darating din si Godot. Samantala, patuloy na maghihintay sina Didi at Gogo.
Sino ba si Godot? Siya ba si “god� Siya ba si superman? Siya ba ang kamatayan? Siya ba ang katabi mo ngayon? (Hala…! Mwahaha!)
Pero bago yan, sino ba si Samuel Beckett? Nagkamit ng Nobel Prize sa panitikan para sa kanyang mga nobela’t dula, si Samuel Beckett (1906-1988) ay isinilang sa Ireland, naging guro pansamantala, lumipat at nanirahan sa Pransiya, naging bahagi ng French resistance nuong ikalawang digmaang pandaigdig, at ginulantang ang mundo ng teatro sa dulang “Waiting for Godot†na orihinal niyang isinulat sa wikang Pranses (at kalauna’y isinalin niya rin mismo sa Ingles). Naging kaibigan at katuwang din siya ni James Joyce. (Pansinin ang impluensiya ng monologo ni Molly Bloom sa “Ulysses†ni Joyce sa monologo ni Lucky sa “Godot.â€) Sinasabing ang dulang “Godot†ay inspirado ng kanyang karanasan sa French resistance bilang isang uri ng secret agent, naghihintay ng mga mensaheng hindi dumarating. Malaki rin ang naging impluwensiya ni Beckett sa panulat ng ilang mga batikang mandudula tulad nina Pinter, Mamet, Stoppard, atbp.
Sa librong “Conversations With and About Beckett†ni Mel Gussow, binabanggit ang kabutihan ng kalooban ni Beckett lalo na sa mga baguhang manunulat at alagad ng sining. Hindi raw bihira ang tahimik na pagkakaloob niya ng pinansiyal na tulong sa mga nagsisimulang manunulat at artist na kinakakitaan niya ng pangako. Isa sa mga kaibigan ni Beckett na nakapanayam ni Gussow ang nagsabi na isa si Beckett sa mga artist na hinangaan niyang pareho ang gawa at pagkatao. Sa karamihan daw kasi ng mga artist, kapansin-pansin daw ang paghihiwalay ng buhay at gawa. Maaaring kamangha-mangha’t kahanga-hanga ang gawa, nguni’t hindi nakapagbibigay-sigla ang uri ng pagkatao.
Sa isang rebyu ni Gussow ng isang produksyon ng Godot, binansagan niya ang pananaw ni Beckett bilang “uproarious pessimism.†Sumulat si Beckett kay Gussow at sumang-ayon dito. At patunay nga ang “Godot†bilang testamento sa mapanglaw na pananaw ni Beckett: ang buhay ay isang mahabang paghihintay sa ________. (Punan ang patlang.) Isang nakababagot na paghihintay sa “chuvatienes.†At habang nabubuhay at naghihintay, lahat ng ating mga pinaggagawa, mga pagsusumikap, kabiguan at tagumpay ay pawang mga “eklabu†at “kaek-ekan†lamang… pawang mga katawa-tawang paglilibang lamang para panandaliang lunasan ang matinding pagkabagot at pangungulila. At sa huli, ang pagdatal ng kamatayan. Ito rin ang buod ng talumpati ni Lucky: ang tao, sa kabila ng kanyang paglusog, pag-unlad at pag-iisports ay mamamatay. Na iaalingawngaw ni Pozzo, at sa huli, ni Didi rin: ipinanganganak ang tao sa ibabaw ng hukay.
Muli, sino ba si Godot?
Ayon kay Beckett, kung sinuman si Godot, isang bagay ang sigurado, hindi siya si God. Pero para kina Didi at Gogo, mistulang-Diyos si Godot. Ang kanilang tagapagligtas. Dahil ayon kay Didi, pag dumating si Godot, ligtas na sila. Ligtas na sila sa nakababagot na paghihintay. At kung hindi siya darating, magbibigti na lang sila. Anuman at sinuman si Godot, siya ang magbibigay-kahulugan sa mahabang paghihintay nina Didi at Gogo.
Hindi dumarating si Godot. Nguni’t patuloy sa paghihintay sina Didi at Gogo. Kakatwa nguni’t pamilyar, hindi ba? Hindi umaayos ang takbo ng ating gobyerno, hindi humaharap sa katarungan ‘yung tuko sa palasyo, ngunit patuloy tayo sa pag-asam at paghihintay. Hinihintay kaya natin si Godot?
Mapanglaw man ang pananaw ni Beckett sa buhay, may mababanaag pa ring liwanag sa “Godot.†Ito ay ang pagpapakatao sa pagtulong sa kapwang nagdurusa, pakikipagkaibigan, at pakikipagkapwa-tao. May serye ng talumpati si Didi kung saan nagmumuni siya sa tungkulin nila ni Gogo na katawanin ang sangkatauhan dahil sila lang ang may kakayahang tumulong sa sandaling iyon ng pangangailangan ni Pozzo. (Hindi mapapanood sa bersyong ito dahil pinutol at mistulang kaya lang sila tumulong ay dahil sa alok na bayad ni Pozzo.) May isang uri ng kadakilaan sa katapatan nina Didi at Gogo sa kanilang paghihintay. Kahangalan? Maaari, pero kahanga-hangang kahangalan. At sa gitna nito, ang pagtugon sa paanyaya ng pagpapakatao: ang pagtulong sa kapwang nangangailangan ng tulong. Sa kasong ito, si Pozzo.
Pero paano kung dumating pala si Godot at hindi lang nila namalayan? “Natutulog lang ba ako habang yung iba’y naghihirap?†sabi ni Didi. Paano kung si Lucky pala si Godot? O di kaya’y si Pozzo? Kung ituturing na talinghaga ng Diyos si Godot, maraming maskara’t mukha ang Diyos. At maaaring dumating nang nakamaskara si Godot… sa anyo ni Lucky, o Pozzo, o maging ng Batang mensahero. Anu’t anuman, higit na mahalaga kaysa sa diretsahang pagkakakilala at pagkakita sa Diyos (kay Godot?) ang pagturing sa bawa’t tao (o maging sa bawa’t nilalang) bilang, gaya ng sabi ni Pozzo, “gawa sa image ni God.†Ito ang kahulugang, kung meron man, may kakayahang ibsan ang pagkabagot o pangungulila ng buhay.
Chuvatienes…Whichever, whatever, whenever, whoever, whyever? Beckett? Bakit?
